Ang Ministry of Health (MOH) ay naglalabas ng Sea Turtle Food Poisoning Alert upang bigyang-babala ang lahat na iwasan ang pagkain ng karne ng pawikan dahil sa posibleng kontaminasyon na maaaring magdulot ng seryosong karamdaman o pagkalason.

Bakit delikado ang karne ng pawikan?

Ang mga pawikan ay maaaring maglaman ng toxins mula sa kanilang kinakain, tulad ng mga nakalalasong algae. Ang mga toxins na ito ay hindi natatanggal sa pagluluto at maaaring magdulot ng sumusunod na sintomas:

Pagsusuka at matinding pagduduwal

Matinding pananakit ng tiyan

Hirap sa paghinga

Pagkawala ng malay

Huwag manghuli, magbenta, o kumain ng karne ng pawikan!

• Ang pawikan ay itinuturing na endangered species, at ang panghuhuli at pagkain nito ay labag sa batas sa ilalim ng Philippine Wildlife Act (RA 9147).

• Bukod sa panganib sa kalusugan, ito ay nakakasira sa ating kalikasan.

Ano ang dapat gawin?

Kung nakaranas ng alinman sa mga nabanggit na sintomas matapos kumain ng karne ng pawikan, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na RHU (Rural Health Unit) sa inyong lugar.

Ingatan ang inyong kalusugan, protektahan ang kalikasan.