Ngayong Disyembre 1, ating ginugunita ang World AIDS Day, na may temang “Take the Rights Path”.

Ito ay isang pagkakataon upang ipagdiwang ang mga hakbang at progreso ng ating bansa laban sa HIV at AIDS.

Ngayong araw, sama-sama nating itaguyod ang karapatan ng mga taong namumuhay na may HIV at AIDS na patuloy na nakararanas ng stigma at diskriminasyon.

Isang malaking pasasalamat din sa lahat ng ating mga partners na kasama sa pagtataguyod ng dagdag na kaalaman sa HIV, AIDS, at higit sa lahat sa U=U.

Tayo ay magtulungan sa pagpapalawak ng kamalayan ng bawat isa upang makabuo ng isang bansa kung saan lahat ay pantay-pantay anuman ang kanilang HIV status dahil Bawat Buhay Mahalaga.