MENU

Mensahe ng ating Interim Chief Minister Alhadj Ahod B. Ebrahim ukol sa nalalapit na Sabayang Patak Kontra Polio.

**Bago pa man magkaroon ng COVID-19 sa Pilipinas, may POLIO outbreak na sa bansa.
Para mapigilan ang pagkalat ng poliovirus, muling magkakaroon ng Sabayang Patak Kontra Polio campaign sa buong Mindanao simula July 20 hanggang ika-2 ng Agosto. Magbibigay ng dagdag na dose para sa dagdag proteksiyon kontra polio.
Safe and effective ang bakunang ito. Forty years ng ginagamit ito sa Pilipinas.

**Pabakunahan ang lahat ng batang wala pang sampung taong gulang, may bakuna kontra polio man o wala, kumpleto o hindi. [For Basilan, Sulu, Tawi Tawi, Lamitan City, Zamboanga City, Isabela City, at Lambayong, Sultan Kudarat]

**Pabakunahan ang lahat ng batang wala pang limang taong gulang, may bakuna kontra polio man o wala, kumpleto o hindi. [Rest of Mindanao]

Asahang nakasuot ang mga health workers ng PPE gaya ng face mask habang nagbabakuna. Ang mga magulang na magpapabakuna ng anak ay kailangang magsuot ng face mask at susunod sa physical distancing kapag magpapabakuna ng anak.

Hinding-hindi hahawakan ng health workers or ng vaccinator ang bata sa pagbakuna, at tanging ang tagapag-alaga lang ang hahawak sa bata at magbubukas sa kanilang bibig. (NO TOUCH APPROACH where the parent/caretaker is the only one to hold the child’s face/mouth and finger, observing physical distancing. From the Interim Guidelines for frontline Workers for Safe Implementation of H2H Vaccination campaign)

Lahat ay kailangang maghugas ng kamay, magtakip ang bibig kung uubo at babahing gamit ang looban ng siko o tissue.

Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center para sa mga detalye.

mensahe COM2