MENU

Bismillahirrahmanirrahim!

Assalamualaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!

Sa pamumuno ng ating BARMM Chief Minister Al-Hajj Ahod Balawag Ebrahim, ito po ang inyong Minister of Health, Dr. Saffrullah M. Dipatuan. Nais ko pong iparating sa inyong lahat ang mensahe ng MOH-BARMM hinggil sa lumalaganap na Coronavirus disease o COVID-19.

 Sa kasalukuyan, kami po sa Ministry of Health ng Bangsamoro Government ay walang humpay na ginagawa ang lahat ng aming makakaya upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at ang tuluyang  pagsugpo ng sakit na ito. Tulungan po natin ang ating mga Frontline Health Warriors na naka-deploy  sa ibat- ibang lugar sa buong Rehiyon ng BARMM, na hindi alintana ang panganib ng kanilang kalusugan pati ang kanilang mga buhay para sugpuin ang banta ng COVID-19.

 Lahat po tayo ay may kontribusyon sa laban na ito. Maging responsable, handa at maingat po tayong lahat. Sundin po natin ang mga payo o advisories na ibinibigay ng DOH, MOH at ng BARMM Inter-Agency Task Force, kasama ng mga panuntunan o guidelines na ipinapatupad ng ating gobyerno. Iwasan po natin ang pagtitipon-tipon at paglabas sa ating mga bahay kung hindi kinakailangan. Isagawa po natin ang palagiang paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa mga taong may sintomas ng ubo at sipon at pag konsulta sa health facility kung tayo man ay nakakaranas ng ubo at sipon, at mga sintomas gaya ng lagnat, hirap sa paghinga, at pagtatae.

 Sa aming mga Frontline Health Warriors sa boung BARMM Region na patuloy na nagpapakita ng lakas ng loob at dedikasyon sa kanilang trabaho, maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Ipagpatuloy natin ang laban na ito alang-alang sa ating bayan at sa boung Bangsamoro.

 Muli, maging maingat, handa at responsable po tayong lahat. Maraming maraming salamat po.

HEALTH EDUCATION AND PROMOTION & PUBLIC INFORMATION OFFICE

MINISTRY OF HEALTH - BARMM

Bangsamoro Government Center, Governor Gutierrez, Rh7, Cotabato City

email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

FB: facebook.com/ministryofhealthbarmm

Serbisyong Medikal Damhin

RITCHE M. DAMASIN - HEPO Desiganate  (09171469191)