Nagpahayag ng suporta ang Philippine Pediatric Society (PPS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, Inc (PIDSP) sa ginagawang bakunahan sa ilalim ng mga programang Bakuna Eskwela at Big Catch-Up ng Department of Health (DOH).

Sa kanilang pahayag, binigyang diin ng PPS at PIDSP na ang mga bakuna ay bunga ng ilang taong pananaliksik at testing kaya ang mga ito ay napatunayang ligtas at epektibo. Anila, ilang dekada nang napatunayan na kung mas marami ang mga batang nabakunahan, mababa ang mga nagkakasakit dulot ng vaccine-preventable diseases (VPDs) tulad ng tigdas, tigdas-hangin, tetano at cervical cancer.

Nagbigay rin ng suporta ang grupo sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa publiko para malabanan ang maling impormasyon tungkol sa bakuna.

Tignan ang kumpletong pahayag ng Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, Inc. sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/kbTULEUFSaFnMN6J/